European Union, aprubado na ang ikatlong bakuna mula sa AstraZeneca Pharmaceutical Company

Aprubado na ng drugs regulation ng European Union (EU) ang ikatlong bakuna mula sa AstraZeneca Pharmaceutical Company.

Nabatid na ang lahat ng miyembro ay kailangang bumili ng 300 milyong doses ng AstraZeneca vaccines kung saan ipapagamit ito sa mga residenteng may edad 18 pataas.

Sa ngayon, nakakaranas ng kakulangan sa bakuna ang vaccination centers kabilang na ang mga French at German region dahil sa mabagal na delivery ng Pfizer at Moderna.


Naghigpit naman ang EU dahil sa patuloy na pagtaas ng mga tinatamaan ng Coronavirus Disease.

Facebook Comments