Inanunsyo ng European Union (EU) na magbibigay ito ng emergency aid sa mga biktima ng magnitude 7 na lindol sa Hilagang Luzon na aabot sa 800,000 Euros o mahigit 45 milyong piso.
Sa isang pahayag, sinabi ni EU na ang naturang pondo ay layong bigyan ang mga biktima ng ligtas na tubig na maiinom, hygiene and sanitation kits, mental health at psychosocial support services at maging tulong sa sektor ng edukasyon.
Pinagana na rin ng Copernicus Emergency Management Services (CEMS) ang kanilang satellite imagery at iba pang datos upang makatulong sa mga ahensya magdadala ng tulong sa Hilagang Luzon.
Mababatid na niyanig ng magnitude 7 na lindol ang Abra noong July 27 kung saan 10 ang iniwan nitong patay.
Facebook Comments