European Union, pinuri ng LP senators

Manila, Philippines – Pinuri ng Liberal Party o LP Senators Francis Kiko Pangilinan at Franklin Drilon ang pahayag ng European Union o EU na dapat palayain si Senator Leila De Lima.

 

Para kay Pangilinan na siya ring tumatayong Pangulo ng LP, nangangahulugan ito na ang international community ay nakatutok na mabuti sa takbo ng politika sa ating bansa.

 

Nakakaapekto kasi aniya ito sa trade relations ng Pilipinas sa EU.

 

Ipinaliwanag ni Pangilinan na magreresulta ito sa pagkadiskaril ng bilyong pisong halaga ng kalakalan at pamumuhunan sa ating bansa na lalo pang magpapalala sa mga mga probema ng kawalan ng trabaho at kahirapan.

 

Binanggit naman ni Drilon na pati ang pagsusulong ng parusang bitay ay ipinagaalala din ng European Union.

 

Ang kaalayado naman ng LP na si Senator Risa Hontiveros, ay natutuwa na ang EU ay tumutulong para ipagtanggol ang demokrasya sa ating bansa kaakibat ang pagtutol sa garapalang pag-abuso sa justice system.

 

Giit ni Hontiveros, na malinaw naman na imbento lang at maituturing na political persecution ang mga akusasyon kay De Lima isang political persecution.

 

Binigayng diin ni Hontiveros na ang ginawa kay De Lima ay isang paraan ng pag-atake sa ating democratic values sa rule of law.

 

Bunsod nito ay nananawagan si Hontiveros sa international community na patuloy na sumuporta sa mga Pilipino na nagmamahal sa demokrasya.

Facebook Comments