European Union – tiwalang hindi palulusutin ang death penalty bill sa Senado

Manila, Philippines – Umaasa ang European Union (EU) na hindi ipapasa ng senado ang panukalang pagbuhay sa parusang kamatayan.

Ayon kau EU ambassador Franz Jessen – mahigpit na tinututulan ng EU ang death penalty lalo’t wala namang patunay na epektibo ito sa pagsugpo ng krimen.

Bagama’t tutol sa panukala, handa pa rin naman aniya ang EU na makipagtulungan sa Pilipinas sa isyu ng illegal drugs.


Naniniwala din ang ambassador na masusugpo ang droga kung maipararamdam ng gobyerno sa mga drug dependents na bahagi pa rin sila ng lipunan gaya ng pagbibigay ng trabaho sa mga ito.

Facebook Comments