Cauayan City – Handa na ang 29 barangay ng Rizal, Cagayan, sa pagtugon sa mga sakuna matapos ang pormal na turnover ng bagong gawang evacuation center at relief warehousing facility na itinayo sa ilalim ng programang KALAHI-CIDSS ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
May kabuuang halaga na Php 20,070,157.62 ang proyektong ito at pinondohan ng KALAHI-CIDSS National Community-Driven Development Program – Additional Financing (NCDDP-AF) ng Php 13,702,136.94.
Mayroon ding kontribusyon mula sa Municipal Local Government Unit (MLGU) na Php 4,827,420.68 sa cash, Php 1,540,000.00 sa in-kind, at Php 600.00 mula sa Barangay Local Government Unit (BLGU).
Ang 12×22 meters evacuation center ay may dalawang palapag at naglalaman ng opisina, storage room, pantry area, kuwarto para sa PWD/senior citizens, sleeping quarters, banyo, at mga common area para sa mga evacuees.
Samantala, ang 20×30 meters warehouse facility ay magsisilbing ligtas na imbakan ng mga pang-emergency na suplay para sa mabilisang aksyon tuwing may kalamidad.