Evacuation center ng lokal na pamahalaan ng San Juan City, nakahanda na

39

Hinimok ni Mayor Francis Zamora ang mga residente ng San Juan City na magsilikas na habang hindi pa malakas ang ulan at wala pang pagbaha.

Ito’y matapos maihanda ang main evacuation center ng lungsod na nasa San Juan Gym kung saan nakaset-up ang mga modular tent na may kasama na ring dalawang higaan.


Maliban dito, tiniyak niya na meron na ring pagkain at mangangalaga sa mga evacuee.

Palalagyan din aniya ng Wi-Fi ang evacuation center.

Aniya, mayroong maayos na matutulugan ang mga residente na lubhang maaapektuhan ng Bagyong Ulysses habang hinintay na umalis ito sa bansa.

Tiniyak din niya mahigpit na maipatutupad ang health protocols laban sa COVID-19 sa kanilang evacuation center dahil mamamahagi sila ng face mask at face shield.




Facebook Comments