Mayor Teodoro ng Marikina City, humihingi na ng tulong sa national government ng mga rescue unit

124

Nanawagan na si Marikina Mayor Marcy Teodoro sa national government na tulungan sila sa pag-rescue sa ilang mga residente nito.

Ayon kay Mayor Teodoro, mas marami na ang gustong lumikas sa kanilang mga bahay dahil tumataas na ang baha sa ilang lugar sa lungsod.


Aniya, ang kanilang nararanasan ngayon ay kahalintulad na noong bagyong Ondoy, kung saan marami ang nagbabagsakang mga puno at may mga lugar na dati ay hindi bahain, pero ngayon ay binbaha na dulot ng pagtaas ng tubig sa Marikina River at walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan.

Batay sa kanilang pagmo-monitor, may ilang lugar sa Marikina na halos lagpas bubong na ang taas ng baha.

Facebook Comments