Dumami pa ang bilang ng mga evacuation centers na ginagamit ngayon ng mga residenteng inilikas dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DSWD Spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez na mula sa 22 evacuation centers kahapon umabot na ito sa 26 ngayong araw.
Nadagdagan kasi ang mga inilikas dahil patuloy na pag-alburoto ng Bulkang Mayon na ngayon ay umaabot na sa 9,688 families o katumbas ng 37,000 indibidwal sa buong lalawigan ng Albay.
Sa bilang na ito, mahigit 15,000 indibdiwal ang nanatili ngayon sa evacuation centers.
Sa kasalukuyan ayon kay Asec, Lopez, mayroong 89,000 family packs ang naka-standby sa Region 5 para dagdag tulong sa mga evacuee.
Facebook Comments