Kerwin Espinosa, tuluyan nang nakapagpiyansa sa drug case

Kinatigan ng korte ang hiling na makapagpiyansa ni self-confessed drug lord Rolan “Kerwin” Espinosa at apat na kapwa niya akusado sa drug case.

Sa resolusyon ni Baybay City, Leyte Regional Trial Court Branch 14 Judge Carlos Arguelles, nakasaad na bigo raw ang prosekusyon na mapatunayang malakas ang ebidensiya laban sa mga akusado.

Pinagbabayad si Espinosa at ang apat na akusado ng tig-700 libong pisong piyansa kada isa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.


Kasama sa mga akusado na pinayagang magpiyansa sina Marcelo Adorco, Jose Antipuesto, Brian Anthony Zaldivar at Alfred Batistis.

Facebook Comments