Evacuation drills, isinagawa sa Japan dahil sa pangamba ng paglulunsad ng North Korea ng missiles

World – Nagsagawa ng evacuation drills ang mga residente sa bayan ng Kotoura sa Japan na malapit sa karagatan dahil sa pangamba ng paglulunsad ng North Korea ng missiles.

Layon nitong ihanda ang mga residente ng kotoura sa missile launch ng Pyongyang sa Guam na teritoryo ng US.

Sa hudyat ng tunog ng sirena, agad na tumakbo ang mga batang naglalaro ng soccer patungo sa shelter ng isang paaralan kasama ang kanilang mga magulang at team coach.


Matatandaang nagdadala ngayon ng tensyon sa rehiyon ang mabilis na pag-develop ng North Korea ng missiles.

Facebook Comments