Evacuation ng mga Pilipinong sakay ng cruise ship na nasa Japan, pinaplano na

Pinaplano na ng Department of Health (DOH) ang pagsasagawa ng evacuation ng mga Pilipinong nakasakay sa MV Diamond Princess cruise ship na nakadaong sa Yokohama, Japan.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nakikipag-ugnayan na ang inter-agency task force para sa posibilidad ng evacuation ng nasa 538 pinoy na nakasakay sa nasabing barko na apektado ng coronavirus disease (COVID-19).

Kinakausap na din ng task force ang shipping lines na siyang may hawak sa mga Pinoy crew at malalaman din nila ang desisyon kung papayag ang mga ito sa naturang plano.


Pero nilinaw ni Duque na hindi sapilitan ang evacuation kung saan nasa Pinoy crew at mga pasahero na ang desisyon kung uuwi sila ng Pilipinas.

Pag-uusapan din bukad ng task force kung ang mga ie-evacuate na mga Pilipinong sakay ng naturang cruise ship ay isasailalim din sa quarantine sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Facebook Comments