Evacuation para sa mga hayop sa Taal, ipinasasama na sa pag-buo ng centralized plan ng gobyerno

Dapat isama na ang mga alagaing hayop sa National Disaster Plan ng pamahalaan.

Ito ay ayon sa Phil Animal Welfare Society (PAWS) kasunod ng kalunos lunos na nangyari  sa mga alagaing hayop sa Batangas na naiwan ng mga residente sa paglikas ng pumutok ang Bulkang Taal.

Kaugnay nito, umaapela ang PAWS para sa pagbuo ng centralized evacuation para sa mga hayop.


Bagamat, ideneklara na ng gobyerno ang Taal volcano island na ‘No Mans Land ‘nagawa pa rin kahapon ng rescue teams ng PAWS na mailikas ang 43 kabayo, 7 baka, 3 kalabaw at isang baboy sa barangay Makina,Balete  na kamakailan ang ay ideneklara ng Danger Zone.

May mga nauna nang alagang hayop ang nailigtas sa mga lugar sa Batangas na puno ng ashfall.

Tuloy pa rin ang kanilang apela sa publiko na magdonate ng mga pagkain ng hayop at sariwang damo.

Bukod sa mga baboy, kabayo at aso na karaniwang binabalikan ng mga residente sa isla ng Taal.

Kinakailangan ding mailigtas ang mga protected at endangered species, o mga hayop na nanganganib ng mawala tulad ng horn bill o kalaw.

Kahapon isang hornbill ang nailigtas din sa Taal at pormal nang iti -nurn-over sa DENR.

Facebook Comments