Evacuation plan at relief support sakaling tumindi pa ang aktibidad ng bulkan, kasado na – NDRRMC

Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nakahandang rumesponde ang lahat ng Local Government Units (LGUs) na nakapaligid sa Taal Volcano Island (TVI) sakaling tumindi pa ang aktibidad ng Bulkang Taal.

Ito ay makaraang itaas ng Phivolcs sa Alert Level 2 ang bulkan ngayong araw.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na kasado na ang evacuation plan at relief support sakaling kailanganin.


Mahigpit din ang tagubilin nila sa mga nangingisda sa lawa ng Taal na huwag palagiang manatili sa isla para makaiwas sa disgrasya.

Matatandaang nitong Pebrero, muling inilikas ang mga residenteng nagsipagbalikan noon sa isla matapos na tumaas ang bilang ng mga pagyanig sa bulkan.

Facebook Comments