Evangelist na Binata, Patay sa Salpukan ng Motorsiklo at Sasakyan habang 2 iba pa, Sugatan!

*Tumauini, Isabela- *Dead on the Spot ang isang binata matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na sasakyan pasado ala una ng hapon, Pebrero 24, 2019 sa pambansang lansangan ng Brgy. Balug Tumauini, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima at driver ng Honda XRM 125 na si Reynaldo Bitin Jr, 23 anyos, Literature Evangelist, at residente ng Brgy. Roxas District, Naguilian, Isabela habang ang suspek at driver ng Elf Truck ay nakilalang si Joel Antipaso, 27 anyos, binata, driver at residente naman ng Brgy. Pinopoc, Alcala, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, mabilis na binabaybay ng biktima ang naturang lansangan patungong north direction nang biglang mag-overtake sa sinusundang motorsiklo.


Dahil sa bilis ng patakbo ng biktima ay nawalan ito ng kontrol sa manibela kaya’t napunta sa kabilang linya at sumalpok sa kasalubong na Elf Truck na may kalakip na Rice Harvester.

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo at bali sa katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang tuluyang pagkamatay habang sugatan sa nangyaring banggaan ang suspek maging ang pasahero nito na si Marjon Pulido.

Dinala na sa himpilan ng PNP Tumauini ang wasak na motorsiklo ng biktima maging ang Elf Truck para sa kaukulang disposisyon at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments