Pinuri ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga pagsisikap at inisyatibo ng Eastern Visayas State University para makatulong sa mga frontliners na lantad sa COVID-19 pandemic .
Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera iii,nakaisip ang unibersidad na gumawa ng isang ‘natural immune system booster drink’ na proteksyon laban sa COVID-19.
Tinawag nilang ExCITE,o “Extinguishing Communicable Infection Through Edible plant source,” ang inumin na gawa sa carrot extract, malunggay, at calamansi na mayaman sa iron, Vitamin C, Potassium, Beta-carotene at Calcium- na may mga nutrisyon na kinakailangan upang mapalakas ang immune system.
May 2,200 na bote ng natural immune system booster drink ang naipamahagi na sa mga frontliners at checkpoints sa Tacloban City at Palo, Leyte gayundin sa mga police, health at social welfare personnel at iba pa.
Target ng unibersidad na makagawa pa ng karagdagang 2,500 330ml bottles ng inumin para ipamigay sa iba pang frontliners .
Plano naman ng CHED na pondohan ang SUCs para madagdagan ang produksyon ng “Anti-COVID19” products habang may Covid 19 pandemic sa bansa.