Ex-Barangay Kagawad huli sa buy-bust operation ng PDEA 12 sa bayan ng Banga, South Cotabato.

Huli ang ex-barangay kagawad sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 sa Purok Masinadiyahon, Bo. 1, Banga, South Cotabato pasado alauna ng hapon noong Oktubre 8 ng kasalukuyang taon.
Kinilala ang suspek na si Joseph Benes Atensor , 37 –anyos, watchlisted at residente ng nabanggit na lugar.
Nahuli ang suspek makaraang pumayag na magbenta ng isang sachet ng suspected shabu sa PDEA Agent na nagpakilalang poseur–buyer sa halagang P1,000.00 marked money.
Nakuha naman sa suspek ang more or less 1 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P 5,000.00, assorted drug paraphernalia at 1 unit ng cellphone.
Kasong paglabag naman sa Section 5 ,11 at 12 ng Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa suspek.
Sa ngayon nakadetine sa PDEA 12 Detention Facility ang nasabing suspek.

credit to: Pdea 12

Facebook Comments