Naaresto na ang dating kongresista na si Arnolfo Teves Jr. sa Dili, Timor-Leste.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), alas-4:00 ng hapon kahapon nang arestuhin ng East Timorese Police si Teves habang naglalaro ng golf sa Top Golf Driving Range and Bar sa nasabing bansa.
Ayon kay DOJ Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, ang pagkakaaresto kay Teves ay isang malinaw na mensaheng walang terorista ang makaliligtas sa hustisya.
Kasabay nito, umapela ang kalihim kay Teves na harapin ang matagal nang nabinbing paglilitis sa kaso nito sa korte nang walang anumang kondisyon.
Si Teves ay nahaharap sa patong-patong na kasong murder dahil sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at limang iba pa noong March 2023.
Inihahanda na ng National Central Bureau sa Dili sa tulong ng NCB-Manila at ng Dili Philippine Embassy ang extradition ni Teves sa Pilipinas.