PCG, babantayan din ang mga resort at isla sa Holy Week

FILE PHOTO

Magtatalaga rin ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga tauhan nito sa beach areas o isla na dadagsain ng mga bakasyunista ngayong Holy Week.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, kasama ang PCG sa pagbabantay ng mga awtoridad at life guard ng mga resort para tiyakin na hindi magkakaroon ng anumang aksidente sa dagat.

Hindi lang naman kasi aniya ang mga simbahan o religious areas ang inaasahang dadagsain ng publiko kundi maging ang mga pasyalan lalo na ang mga resort.


May mga magpapatrolya rin na coast guard sa mga isla para alalayan ang mga mag-a-island hopping.

Maglalagay rin ng help desk para agad na makatugon sa emergency situations.

Facebook Comments