Thursday, March 19, 2026

Ex-DENR Secretary Yulo-Loyzaga, balik-gobyerno na matapos italaga sa bagong posisyon

Balik na sa administrasyon si dating Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga matapos italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang Special Envoy for Disaster Risk Reduction and Management.

Nanumpa na rin kay Pangulong Marcos si Yulo-Loyzaga para sa kanyang bagong tungkulin.

Ayon sa pangulo, mahalaga ang papel ni Yulo-Loyzaga sa pagpapalakas ng kahandaan ng bansa sa kalamidad at epekto ng climate change.

Kumpiyansa ang pangulo na magagamit nito ang kanyang karanasan para maprotektahan ang mga komunidad at mapaayos ang disaster response ng gobyerno.

Si Yulo-Loyzaga ay dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) mula 2022 hanggang 2025.

May malawak din itong karanasan sa disaster resilience, kabilang ang trabaho sa United Nations at National Resilience Council.

Facebook Comments