Ex-Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, dinepensahan si dating Pangulong Duterte sa paggamit nito ng fentanyl

Dinepensahan ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit nito ng fentanyl o pain killer.

Ito ang pahayag ni Roque nang humarap sa media kanina sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Roque, legal ang paggamit ng fentanyl dahil may prescription ito mula sa mga doctor.


Matatandaang noong 2016 ay inamin mismo ni dating Pangulong Duterte na gumagamit siya ng fentanyl upang maibsan ang nararamdamang sakit dahil sa aksidente sa motorsiklo.

Naungkat ang isyu matapos sabihin kahapon ni Pangulong Marcos na gumagamit ang dating pangulo ng fentanyl kung kaya’t nasabi nito ang mga akusasyon laban sa kaniya kaugnay sa iligal na droga.

Facebook Comments