DFA, bukas pa rin sa repatriation sa natitira pang mga Pinoy sa Sudan

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magpapatuloy ang kanilang repatriation sa iba pang mga Pilipinong naiwan sa Sudan.

Sa harap ito ng nagpapatuloy na armed conflict sa nasabing bansa.

Ayon sa Philippine Embassy sa Egypt na siyang nakakasakop sa Sudan, sa ngayon, mahigit 800 mga Pinoy sa Sudan na ang kanilang natulungan at napauwi sa Pilipinas.


Abril ng nakalipas na taon nang simulan ng pamahalaan ang paglilikas sa mga Pinoy na naipit ng kaguluhan sa Sudan.

Facebook Comments