Ex-PRRD at Senator Dela Rosa, hindi pipilitin ng Kamara na dumalo sa pagdinig ukol sa war on drugs

Bukas ang House Human Rights Committee kung nais nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating Philippine National Police (PNP) Chief at ngayon ay Sen. Ronald dela Rosa na dumalo sa imbestigasyon ukol sa umano’y mga nangyaring extrajudicial killings sa ilalim ng war on drugs.

Tugon ito ng chairman ng komite na si Manila 6th Distrtict Rep. Bienvenido Abante Jr., sa hiling ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel na paharapin sa pagdinig sina Duterte at Dela Rosa dahil may mga tanong ukol sa pagpapatupad ng war on drugs na sila lang ang makasasagot.

Ayon kay Abante, ipababatid ng komite kina Duterte at Dela Rosa ang susunod na pagdinig at bahala silang magdesisyon kung dadalo sa pagdinig o hindi.


Paliwanag ni Abante, bilang respeto kay Dela Rosa na isang Senador at lalo na kay Duterte na nagsilbing pangulo ng bansa, ay hindi ipipilit ng komite ang kanilang partisipasyon sa imbestigasyon ukol sa EJK at drug war.

Facebook Comments