
Naghain na ng unang set ng kasong kriminal sa Sandiganbayan ang Office of the Ombudsman laban kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) MIMAROPA at mga miyembro ng Board of Directors ng Sunwest Inc.
Ito ang kinumpirma ni Assistant Ombudsman Mico Clavano.
Nag-ugat ang mga isinampang kaso sa umano’y iregularidad sa ₱289.5 milyong halaga ng proyekto para sa flood control sa Naujan, Oriental Mindoro na kinontrata ng Sunwest Inc.
Ayon kay Clavano, inirerekomenda ng panel ng Ombudsman prosecutors na walang piyansa para sa kasong malversation, dahil lumampas sa ₱8.8 milyon ang umano’y nawalang pondo.
Facebook Comments









