Manila, Philippines – Desidido si House Speaker Pantaleon Alvarez sa kanyang banta na tatanggalan ng prangkisa ang mga airline company na hindi maglilipat ng kanilang excess domestic flights sa Clark International Airport.
Ang banta ni Alvarez ay kasunod ng kautusan niya sa pamunuaan ng MIAA na solusyunan ang problema sa sobra-sobrang domestic flights sa naia na nagiging problema sa air traffic at delay ng mga flights.
Ayon kay Alvarez, safety at convenience ng publiko ang dapat na inuuna at hindi ang kikitain mula sa mga pasahero.
Kaugnay nito, bukas naman ang Philippine Airline sa nais ni Alvarez.
Sa interview ng RMN, sinabi ni PAL spokesperson Ceilo Villa na nagsimula na silang magbawas ng mga flight sa NAIA.
Nabatid na aabot sa 10 million pesos ang nasasayang araw-araw dahil sa domestic traffic.
<#m_8994873369909436326_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>