TOTAL DEPLOYMENT BAN | Bilateral meeting sa pagitan ni DFA Secretary Cayetano at Kuwait ambassador to the Philippines Althwaikh, ikinasa

203

Manila, Philippines – Ikinasa ngayong hapon ang bilateral meeting sa pagitan nina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano at Kuwait ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Althwaikh.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sentro ng pag-uusap ng dalawa ang idineklarang total deployment ban ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuwait.

Matapos ang pagpupulong, haharap aniya sa media si Sec. Cayetano upang ihayag ang resulta ng kanilang pag-uusap

Kasabay nito, nagbabala si Roque sa Kuwaiti government kaugnay sa tamang pagtrato ng mga illegal aliens sa kanilang bansa.

Facebook Comments