Manila, Philippines – Pinaplano ng China at Pilipinas na magkaroon ng palitan ng mga preso o ‘exchange of prisoners’ sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana, nagkaroon na ng diskusyon sa usapin ng palitan ng mga drug convicts para sa kanilang bansa na makulong ang mga ito.
Sa ngayon aniya, may 190 mga Pinoy ang nakakulong sa iba’t ibang bilangguan sa China at dalawa sa mga Pinoy na ito ay nakahanay sa death row.
Habang, mayroon din aniyang mga Chinese na nakakulong ngayon sa Pilipinas.
Gayunman, nilinaw ni Sta. Romana na magiging case-to-case basis at hindi maramihang palitan ng mga preso ang mangyayari kung maaaprubahan ang panukala.
DZXL558
Facebook Comments