Dating Senator Jinggoy Estrada, pinayagang ipatingin ang nananakit na balikat

18

Manila, Philippines – Pinayagan ng Sandiganbayan na sumailalim si dating Senator Jinggoy Estrada sa medical check-up para sumasakit nitong balikat.

Pinahintulutan ng anti-graft court si Estrada na madala sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City para sa hospital examination.

Kabilang sa procedure na gagawin sa dating senador ay MRI at x-ray.

Makakalabas siya mamayang alas-12:00ng tanghali at babalik sa pnp detention facility sa ganap na alas-6:00 ng gabi.

Si Estrada ay nakakulong sa Camp Crame dahil sa mga kasong plunder kaugnay ng pork barrel fund scam.
DZXL558

Facebook Comments