*Cauayan City, Isabela- *Ibinida ng Universal Leaf Philippines Incorporated o ULPI ang matagumpay na industriya ng tabako dito sa bansa.
Sa ibinahaging impormasyon ni ginoong Winston Pua Uy, ang Pinuno at CEO ng ULPI na umabot na sa 115 bilyong piso ang collection ng Cigarrette taxes dito sa bansa mula noong taong 2012 na mayroon lamang dalawampu’t limang bilyong piso.
Ikinatuwa naman ito ni ginoong Winston Uy dahil napakalaking tulong umano ito sa mga pilipino dahil sa nakukuhang Excise tax ng pamahalaan mula sa tabako.
Bukod pa rito ay mayroon din umanong labing anim na libong magsasaka ng tabako dito sa Region 1 at Region 2 na nabigyan ng magandang trabaho at benipisyo dahil sa pagtatanim ng tabako.
Sa ngayon ay lalo pa umanong yumabong ang industriya ng tabako dahil sa maganda nitong produksyon kung saan ay target umano ngayon ng ULPI na makapag-ani ng tatlumpong milyong kilo ng tabako na pwedeng i-export sa ibang bansa.
Patuloy rin umano nilang tutukan ang mga pasilidad ng mga tobacco farmers maging ang kanilang kalusugan upang magtuloy-tuloy lamang ang magandang produksyon ng tabako dito sa ating bansa.