EXCISE TAX | Nakatakdang pagpataw ng karagdagang buwis sa diesel at gasolina, posibleng masuspinde

Manila, Philippines – Posibleng masuspinde ang nakatakdang pagtaas ng buwis sa diesel at gasolina sa susunod na taon.

Ito ay dahil sa inaasahang pagtaas sa $80 per barrel ang presyo ng krudo sa global market sa huling kwarter ng taon.

Ayon kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez – ipag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspension ng dagdag na excise tax sa diesel at gasolina, na pinayagan sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.


Pero nilinaw ng kalihim na ang ipinatupad na excise tax nitong enero ay hindi isususpinde o babawasan.

Facebook Comments