UWIAN NA! | ₱1.18 billion jackpot ng Ultra Lotto 6/58, napanalunan na!

Manila, Philippines – Tapos na! Uwian na! May nanalo na!

Naiuwi na ang ₱1,180,622,508 jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), dalawang bettor ang nakatumpak ng buong anim na winning combinations na: 40-50-37-25-01-45.


Ang dalawa ay maghahati sa premyo at makakatanggap ng tig-₱590,327,764.

Hawak na ng mga nanalo ang record na nakakuha ng biggest jackpot prize sa kasaysayan ng lotto sa bansa.

Facebook Comments