Exclusive COVID-19 referral hospital, operational na sa susunod na linggo

Bubuksan na sa darating na August 17 ang bagong hospital facility sa East Avenue Memorial Center.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon, ang Exclusive COVID-19 referral hospital ay mayroong 250 bed capacity at Intensive Care Unit (ICU) beds para sa mga critical at severe COVID-19 patients.

Sinabi ni Dizon na mayroon itong hiwalay na nursing station, kasama ang laboratory, pantry, storage, CCTV lines at monitoring board.


May sarili rin itong dressing rooms para sa mga health care workers, kung saan doon nila isusuot at huhubarin ang kanilang Personal Protective Equipment (PPE) para iwas virus transmission.

Maliban dito, target din ng pamahalaan na magtayo pa ng karagdagang Exclusive COVID-19 referral hospital sa Quirino Memorial Medical Center at UP-Philippine General Hospital.

Sa pamamagitan aniya nito, ay mamomonitor ng husto ang status ng mga severe at critical COVID-19 patients at mabibigyan sila ng sapat na atensyong medikal.

Madedecongest din ang ibang ospital nang sa ganoon ay maaari silang tumanggap ng non-COVID patients.

Facebook Comments