Exclusive sovereign rights ng bansa sa Ayungin Shoal, non-debatable ayon kay VP Leni Robredo

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na hindi na kailangan pang pagdebatehan ang isyu ng soberanya at karapatan ng bansa sa Ayungin Shoal na sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Tugon ito ni Robredo sa panawagan ng China na alisin na ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal siyam na araw matapos na bombahin ng tubig ng Chinese Coast Guard ang dalawang sasakyang pangdagat na magsasagawa sana ng supply mission sa mga sundalong sakay ng BRP Sierra Madre.

Giiit pa ni robredo, malinaw ang sovereign rights ng Pilipinas sa Ayungin Shoal at ang mga likas na yaman doon ay eklusibong dapat pakinabangan ng mga Pilipino.


Dagdag ni VP Leni, ang mga patunay na sa atin ang Ayungin Shoal ay natalakay na sa rulling ng permanent court of arbitration sa The Hague kung saan ibinasura nito ang nine dash claim ng China sa South China Sea.

Sa naging ruling din ng permanent court of arbitration, sinabi nito na ang Spratly Islands, Panganiban Reef, Ayungin Shoal at Recto Bank ay sakop ng Philippine EEZ.

Welcome naman kay Robredo ang pagtawag ng pangulo na karumal-dumal ang ginawang water cannon attack ng China at hindi ito maganda para sa relasyon ng Pilipinas at ng China.

Umaasa ang bise presidente na mananatiling ganito ang ang posisyon ng pangulo sa naturang usapin.

Facebook Comments