Executive committee ng Task Force Bangon Marawi humihingi ng karagdagang pondo

Karagdagang pondo ang hiling ngayon ng executive committee ng Task Force Bangon Marawi.

Kasunod ito ng kanilang isinagawang dalawang araw na konsultasyon sa Marawi kung saan nakita ang mas malaki pang pangangailangan sa pondo para tuluyang maibalik sa ayos ang mga nasirang gusali dulot ng limang buwang gyera dalawang taon na ang nakakalipas.

Ayon kay NDDRMC Executive Director Ricardo Jalad na batay sa proposed program projects 2019 para sa Marawi aabot na sa 12 billion pesos ang kakailanganin para sa kabuuang rehabilitasyon ng Marawi.


Pero sa inaprubahang Marawi Rehabilitation Recovery and Reconstruction Program sa ilalim ng General Appropriations Act of 2019 aabot lang sa halagang 3.5 billion pesos ang inaprubahan na tiyak aniyang kukulangin kaya humihingi sila ng karagdagang pondo.

Sa ngayon nanatili pa ring nakatira sa mga tent ang mga residente ng Marawi City na lumikas mula sa most affected area nang mangyari ang gyera sa Marawi City.

Facebook Comments