EXECUTIVE ORDER | EO, kailangan para ipagbawal ang mga Casino sa Boracay

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na kailangang maglabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order para tuluyang ipagbawal ang operasyon ng Casino sa Boracay Island.

Sa briefing sa Malacañang ay nanindigan si Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, talagang desidido si Pangulong Duterte na ipagbawal ang sugal sa isla dahil ang pagbabakasyon kasama ang pamilya ay hindi kasama ang pagsusugal.

Binigyang diin ni Panelo na ayaw ni Pangulong Duterte na mamulat sa sugal ang mga batang kasama ng kanilang pamilya sa Boracay.


Pero matatandaan na binigyang diin din ni Pangulong Duterte na hindi niya papayagan na mamayani ang sugal sa bansa.

Sa kabila nito ay sinabi ni Panelo na hindi parin naman niya batid kung kailan ilalabas ng Pangulo ang nasabing Executive Order at wala pa siyang natatanggap na draft nito.

Facebook Comments