Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi pa ngayon magsisimula ang 72- oras na palugit ni Pangulong Rodrigo Duterte para makauwi ang mga Overseas Filipino workers sa Kuwait.
Ayon kay Bello, magsisimula ang 72 na palugit sa oras na maglabas na si Pangulong Duterte ng executive order na nagdedeklara ng total ban ng deployment ng mga OFW sa nasabing bansa.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na kakausapin niya ang Cebu Pacific at ang Philippine Airlines para magbigay ng transportasyon para sa mga uuwing OFW mula Kuwait may pera man o wala.
Inatasan naman ni Pangulong Duterte si Bello na agad na iproseso ang mga papeles ng mga OFW sa Kuwait upang maging mas mabilis at maayos ang pagpapawui sa mga ito.
Wala parin namang pinal na desisyon si Pangulong Duterte kung pupunta ito ng Kuwait para kausapin ang Kuwaiti Government.
Executive order, kailangan pang hintayin bago tuluyang mapauwi ang mga OFW sa Kuwait
Facebook Comments