MANILA – Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order na nagrere-organisa sa mga cabinet cluster.Sa ipinalabas na Executive Order (EO) number 7 ng Malacañang, inaamyendahan nito ang executive order 43 series of 2011 na bumubuo sa gabinete sa limang grupo o cluster.Kabilang dito ang good governance and anti-corruption cluster; human development and poverty reduction cluster; economic development cluster; security, justice and peace cluster at climate change adaptation and mitigation cluster.Nabatid na sa section 9 ng dating EO 43, ang Executive Secretary ang tumatayong Chairperson ng Security, Justice and Peace Cluster.Pero sa inilabas na kautusan ni Pangulong Duterte, itinatalaga nito si Defense Sec. Delfin Lorenzana bilang Chairperson ng nasabing cluster.Magiging miyembro ng nasabing cluster ang Executive Secretary, Cabinet Secretary, ang kalihim ng DILG, DOJ, DFA, ang National Security Adviser, Presidential Adviser on the Peace Process at ang National Security Council Bilang Secretariat.Sa ilalim ng EO 7, mandato ng DND na tiyakin ang pambansang kapayapaan at seguridad, protektahan ang soberenya ng Pilipinas at ipagtanggol ang integridad ng mga teritoryo ng bansa.Nabatid na inaamyendahan nito ang Executive Order no. 43 na ipinatupad ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong 2011.
Executive Order Na Mag-Oorganisa Sa Mga Cabinet Cluster, Nilagdaan Na
Facebook Comments