Posibleng ilabas na sa susunod na linggo ang Executive Order (EO) na layong maglagay ng price cap sa mga swab tests para sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagsumite na ng panukala ang Department of Health (DOH) sa Office of the President para maglabas ng kautusan.
Ipinaliwanag ni Vergeire na hindi basta-basta pwedeng maglagay ng price cap ang DOH sa ganitong mga test dahil walang umiiral na batas ukol dito.
Sa ngayon, nagsasagawa na aniya ang ahensiya ng survey sa mga presyong iniaalok ng iba’t ibang laboratoryo sa bansa para magkaroon ng kanilang pagbabatayan.
Una nang sinabi ng Palasyo na maaaring magpatupad ng price cap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga COVID-19 tests partikular ang RT-PCR tests.
Facebook Comments