Executive Order na nag-aapruba para i-adopt ang Philippine Development Plan for 2023-2028, pirmado na ni PBBM

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Executive Order na nag-aapruba para i-adopt ang Philippine Development Plan o PDP for 2023-2028 bilang roadmap para sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil.

Aniya, nakaankla ito sa AmBisyon Natin 2040 na naglalayong maibalik ang Pilipinas sa high-growth trajectory.

Ang AmBisyon Natin 2040 ay magsisilbi ng gabay para sa development planning mula 2016-2040 na target ay ang pag-abot ng matatag, maginhawa at panatag na buhay para sa mga Pilipino.


Ang PDP ay kabilang sa 8-Point Socioeconomic Agenda ng Marcos administration na layuning palakasin ang job creation at ipatupad ang poverty reduction habang patuloy na tinutugunan ang iba pang isyu na may kinalaman sa pandemya.

Sakop ng EO No. 14 na i-adopt ang PDP plan ay ang mga national government agency, GOCCs, government financial institutions, government corporate entities (GCEs), state universities and colleges at Local Government Units.

Facebook Comments