Executive Order Sa Nationwide Fire Cracker Ban, Hindi Pinirmahan Ng Pangulo

9

MANILA – Ipinagpaliban muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpirma sa executive order na nagpapatupad sa nationwide ban sa paggamit ng mga paputok ngayong taon.Paliwanag ng Pangulo, gahol na sa panahon ang pagpapatupad nito lalo’t marami na ang nakabili ng mga paputok na gagamitin sa pagsalubong ngayong bagong taon.Kasunod nito, inihayag din ni Health Secretary Pauline Ubial na marami silang natatanggap na apela mula sa mga nagtitinda ng paputok na huwag munang ipatupad ang nasabing kautusan.Sa kabila nito, sinabi ni Duterte na mananatili pa rin ang pagbabawal sa paggamit ng paputok sa mga lugar na mayroon nang ordinansa hinggil dito.

Facebook Comments