Ilang Bahagi Ng Pahayag Nina Ronnie Dayan At Kerwin Espinosa, Hindi Nagtugma

8

MANILA – Hindi nagtugma ang ilang bahagi ng mga pahayag nina Kerwin Espinosa at Ronnie Dayan patungkol sa kanilang pagkikita para kunin ang perang para umano kay Sen. Leila De Lima.Ayon kay Espinosa, apat na beses sila nagkita mula 2015 hanggang 2016, pero ayon kay Dayan, limang beses silang nagkita noong 2014 dahil noong 2015 ay wala na ito sa kanyang trabaho sa DOJ.Magkaiba rin ang besyon nina Dayan at Espinosa kung paano sila nagkakilala.Ayon kay Espinosa, kinontak sya ni Albuera Police Chief Jovie Espenido para ipaalam na may tauhan si De Lima na gustong kumausap sa kanya at mismong si Dayan ang tumawag sa kanya noong August 2015 para humingi ng donasyon para sa kampanya ng senadora.Pero, ayon kay Dayan, inuutusan siya ni De Lima na makipagkita sa hindi niya kilalang tao na yun pala ay si Kerwin.Maging ang lugar sa Baguio City kung saan nagkita ay magkaiba rin, sinabi ni Espinosa na sa Burnham Park sila nagkita pero sa pahayag ni Dayan ay nagtagpo sila sa parking lot ng hotel na tinutuluyan ni Kerwin.

Facebook Comments