Executive order sa nationwide smoking ban, posibleng pinirmahan Ni Pangulong Duterte ngayong araw

Manila, Philippines – Posibleng ngayong araw ay lagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) sa pagbabawal sa sinumang manigarilyo sa mga pampublikong lugar sa bansa.
 
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, kasama ito sa tinalakay nina Pangulong Rodrigo Duterte at mga miyembro ng gabinete ang agenda sa ika-13 cabinet meeting.
 
Sinabi naman ni Agriculture Secretary Manny Piñol, na kasama sa cabinet meeting na posibleng pirmahan ng pangulo ang Executive Order ngayong Martes.
 
Anya gagamitin ng pangulo ang draft ng smoking ban na inihanda ng Department of Health (DOH).
 
Nabatid na noong Enero, ipinag-utos ni Pangulong Duterte kay Health Secretary Paulyn Ubial na gumawa ng draft sa Executive Order na kagaya ng ipinatutupad sa Davao City na “100% smoke-free environment” sa mga pampublikong lugar.

RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL, Manila
 

Facebook Comments