Manila, Philippines – Iginiit ng Social Security System (SSS) na aantayin nila ang pag-iisyu ng Executive Order (EO) na magbibigay ng karagdagang benepisyo sa kanilang mga pensyonado.
Bukod dito, hihintayin din nila ang ipinapanukalang amyendahan ang Republic Act 8282 o Social Security Law of 1997.
Ginawa ng SSS ang pahayag kasunod ng hiling ng mga pensioners na ilabas ang dagdag na 1,000 pesos sa susunod na taon.
Ayon kay SSS President and CEO Emmanual Dooc, ang second tranche ng additional benefit ay mapagbibigyan lamang kapag nag-isyu ng EO ang Malacañang o pag-apruba sa panukalang pag-amyenda ng SS charter.
Nabatid na inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang approval ng 2,000 pesos additional pension kung saan ang first tranche o 1,000 pesos ay ibinigay na noong 2017 habang ang natitirang 1,000 ay ilalabas sa 2022.