Iginiit ni US President Donald Trump ang legal principle ng executive privilege para harangin ang paglalabas ng Mueller report.
Ang ginawang hakbang ng White House ay nagpalala sa constitutional clash sa pagitan ng Democratic-Controlled House of Representatives at ni Trump.
Ayon kay House Speaker Nancy Pelosi – ang paghaharang ni Trump sa paglalabas ng subpoena ay hadlang sa ginagawang pagdinig ng mga mambabatas hinggil sa panghihimasok ng Russia para mapalakas ng kandidatura ni Trump noong 2016 US elections, base sa report ni Special Counsel Robert Mueller.
Dagdag pa ni Pelosi – bawat araw ay nagiging self-impeachable si Trump.
Ang executive privilege ay minsang ginagamit ng Pangulo ng Amerika para mapigilan ang iba pang sangay ng gobyerno sa pag-access ng information tungkol sa executive branch.