Pinakamataas na heat index sa taong ito, naitala sa Virac, Catanduanes

Naitala kahapon ang pinakamataas na heat index sa taong ito.

Sa datos ng DOST-PAGASA, pumalo sa 52.2°C na heat index sa Virac, Catanduanes.

Nalagpasan nito ang 51.7°C na heat index sa Dagupan City, Pangasinan na naitala noong April 14.


Ang heat index ang init na nararamdaman ng isang tao, kombinasyon ito ng air temperature at humidity.

Ang heat index sa pagitan ng 41 hanggang 54 degrees Celcius ay mapanganib dahil makakanaras na ang tao ng heat cramps, heat exhaustion at posible pang mauwi sa heat stroke.

Facebook Comments