Manila, Philippines – Nagsimula nang mag-convene ang Kamara bilang committee of the whole upang talakayin ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa Mindanao.
Nasa 135 na kongresista ang dumalo sa pagdinig kung saan si House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas ang tumayong chairperson ng komite.
Sinimulan ni Executive Sec. Salvador Medialdea ang briefing sa mga mambabatas kaugnay sa deklarasyon ng martial law.
Dito, nilinaw ni Fariñas na hindi trabaho ng punog ehekutibo na makinig sa kongreso sa pagdeklara ng martial law sa mindanao pero, kung ibabasura man ng kongreso ang deklarasyong ito, obligasyon ng pangulo na igalang ito.
Isang executive briefing naman ang isinasagawa ngayon matapos aprubahan ng komite ang hiling ng mga opisyal at gabinete ng pangulo.
DZXL558