Nananawagan ang bansang Germany sa Pilipinas na magkaroon ng exemption sa deployment ng mga Pilipino nurse sa kanilang bansa.
Ayon kay German-Philippine Chamber of Commerce and Industry President Stefan Schmitz, nababahala ang Germany na kapag patuloy na hindi naka-deploy ng mga Pilipinong nurse upang makapagtrabaho ay kukuha sila sa Eastern Europe.
Kinakailangan kasi aniya ng B2 language certification kung saan aabot ng isa o isa’t kalahating taon upang matutunan ang wikang German.
Nakikipag-ugnayan na rin ang kanilang ahensya sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa request na cap exemption.
Facebook Comments