Mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Brazil, umabot na sa higit kalahating milyon

Umabot na sa 502,586 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa Brazil dahil sa COVID-19.

Ayon sa mga eksperto, bunsod ito ng pagka-antala ng pagbabakuna at hindi pagpapatupad ng social distancing measure ng pamahalaan.

Tinataya ring pangalawa na ito sa pinakamalalang outbreak na naitala sa kanilang bansa.


Sa kasalukuyan ay mayroon nang 17,966,831 kaso ng COVID-19 sa Brazil.

Facebook Comments