Nilinaw ngayon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na hindi pa pinal ang usapin tungkol sa hindi na kakailangangin pang kumuha ng COVID-19 tests ang mga Overseas Filipino Worker mula sa mga bansang may mababang kaso ng virus.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, ito ay panukala pa lamang na binanggit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang virtual press conference.
Giit ng opisyal, tanging ang mga eksperto ang dapat magdesisyon sa nasabing usapin.
Sa ngayon, patuloy na isinasailalim sa mandatory quarantine ang mga dumating na OFW sa bansa habang hinihintay nila ang resulta ng kanilang swab test.
Nabatid na nasa 50,000 hanggang 70,000 ang inaasahan ng OWWA na mga uuwing OFW bago magtapos ang taon, lalo na ngayong kapaskuhan.