Manila, Philippines – Pinatitiyak ng isang kongresista ang pagtatakda ng exemption para sa mga kumpanya na hindi magpapatupad ng Expanded Maternity Leave Law.
Bagamat itinatakda ng batas na lahat ng kumpanya ay dapat na tumupad sa 105 days paid maternity leave, mayroong mga kumpanya na dapat ikunsidera sa implementasyon nito.
Pero, hiniling ni Deputy Minority Leader Luis Campos sa Department of Labor and Employment na nararapat na ma-exempt ang isang maliit na kumpanya na hindi makakatupad sa Expanded Maternity Leave Act.
Kabilang sa mga exemptions ang mga luging kumpanya, ang mga retail o establishments na may mangagagawa o empleyado na hindi hihigit sa sampu, mga micro-business enterprises na kabilang sa production, processing, o manufacturing ng mga produkto sa agro-processing, trading at services na ang total assets ay hindi hihigit sa P3 Million at ang mga kumpanyang nagpapatupad na ng kaparehong benepisyo.
Sinabi ng kongresista na may ilang BPO sa bansa ang nagpapatupad na ng 120 days paid maternity leave bago pa man maging batas ang Expanded Maternity Leave.
Ang mga employers na nais ma-exempt sa batas ay kailangang pasok sa hinihinging requirement at kailangang magsumite kada taon ng paliwanag at mga dokumento sa DOLE.