Thursday, January 29, 2026

Expanded number coding scheme, ipatutupad sa lungsod ng Parañaque

Magpapatupad ng expanded number coding scheme ang lungsod ng Parañaque.

Ayon sa Parañaque City Traffic and Parking Bureau, mag-uumpisa ang expanded number coding scheme ng alas-7:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga habang sa hapon naman mag-uumpisa ng alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.

Kaugnay nito, exempted naman ang mga may sakay na senior citizens at person with disabilities (PWDs) mula sa nasabing coding scheme.

Samantala, ipinapatupad din sa lungsod ang truck ban mula 6:00 AM hanggang 9:00 AM, at 4:00 PM hanggang 8:00 PM.

Facebook Comments